2 Mga Cronica 18

Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabihan na kitang wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan lang?”

2 Chronicles 18:17 (UKJV) And the king of Israel said to Jehoshaphat, Did I not tell you that he would not prophesy good unto me, but evil?

15Ngunit sinabi ng hari kay Micaias, “Ilang beses ba kitang panunumpain na sabihin mo sa akin ang totoo sa pangalan ng Panginoon?”

16Kaya sinabi ni Micaias, “Nakita ko sa pangitain na nakakalat ang mga Israelita sa mga kabundukan gaya ng mga tupa na walang nagbabantay, at nagsabi ang Panginoon, ‘Ang mga taong itoʼy wala nang pinuno. Pauwiin sila na may kapayapaan.’ ”

17Sinabi ni Haring Ahab kay Jehoshafat, “Hindi ba sinabihan na kitang wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan lang?”

18Sinabi pa ni Micaias, “Pakinggan mo ang mensahe ng Panginoon! Nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa kanyang trono, na may nakatayo sa kanan niya at kaliwa niyang mga makalangit na nilalang.

19At sinabi ng Panginoon, ‘Sino ang hihikayat kay Haring Ahab ng Israel upang lusubin ang Ramot-gilead upang mamatay siya roon?’ ” Iba-iba ang sagot ng mga makalangit na nilalang.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.