2 Mga Cronica 18

Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.

2 Chronicles 18:25 (UKJV) Then the king of Israel said, Take all of you Micaiah, and carry him back to Amon the governor of the city, and to Joash the king's son;

23Lumapit agad si Zedequias kay Micaias at sinampal ito. Sinabi agad ni Zedequias, “Paano mong nasabi na ang Espiritu ng Panginoon ay umalis sa akin at nakipag-usap sa iyo?”

24Sumagot si Micaias, “Malalaman mo ito sa araw na magtatago ka sa kaloob-loobang kuwarto ng bahay.”

25Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.

26At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito, tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang makabalik akong ligtas mula sa labanan.”

27Sinabi ni Micaias, “Kung makabalik ka nang walang nangyari, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.