2 Mga Cronica 18

Sinabi ni Micaias, “Kung makabalik ka nang walang nangyari, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”

2 Chronicles 18:27 (UKJV) And Micaiah said, If you certainly return in peace, then has not the LORD spoken by me. And he said, Hearken, all you people.

25Nag-utos agad si Haring Ahab, “Dakpin nʼyo si Micaias at dalhin pabalik kay Amon na pinuno ng lungsod at kay Joas na aking anak.

26At sabihin nʼyo sa kanila na nag-utos ako na ikulong ang taong ito, tinapay at tubig lang ang ibigay sa kanya hanggang makabalik akong ligtas mula sa labanan.”

27Sinabi ni Micaias, “Kung makabalik ka nang walang nangyari, ang ibig sabihin hindi nagsalita ang Panginoon sa pamamagitan ko.” At sinabi ni Micaias sa lahat ng tao roon, “Tandaan nʼyo ang sinabi ko!”

28Kaya lumusob sa Ramot-gilead si Haring Ahab ng Israel at si Haring Jehoshafat ng Juda.

29Sinabi ni Ahab kay Jehoshafat, “Sa panahon ng labanan, hindi ako magpapakilala na ako ang hari, pero ikaw ang siyang magsusuot ng damit panghari.” Kaya nagkunwari ang hari ng Israel, at nakipaglaban sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.