2Pagkalipas ng ilang taon, dumalaw si Jehoshafat kay Ahab sa Samaria. Nagkatay si Ahab ng maraming tupa at baka para sa pagpapapiging kay Jehoshafat at sa mga tauhan niya. At hinikayat niya si Jehoshafat na lusubin ang Ramot-gilead.
3Sinabi niya kay Jehoshafat, “Sasáma ka ba sa amin sa pakikipaglaban sa Ramot-gilead?” Sumagot si Jehoshafat, “Handa akong sumáma sa iyo, at handa akong ipagamit sa iyo ang aking mga sundalo. Oo, sasáma kami sa inyo sa pakikipaglaban.
4Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang kanyang masasabi.”
5Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta, apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Pupunta ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Sige, lumakad kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”
6Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon na mapagtatanungan natin?”