4Ngunit tanungin muna natin ang Panginoon kung ano ang kanyang masasabi.”
5Kaya ipinatawag ni Ahab ang mga propeta, apatnaraan silang lahat, at tinanong, “Pupunta ba kami sa Ramot-gilead o hindi?” Sumagot sila, “Sige, lumakad kayo, dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon!”
6Ngunit nagtanong si Jehoshafat, “Wala na bang iba pang propeta ng Panginoon na mapagtatanungan natin?”
7Sumagot si Haring Ahab kay Jehoshafat, “May isa pang maaari nating mapagtanungan na maaaring sasangguni sa Panginoon para sa atin, si Micaias na anak ni Imla. Ngunit napopoot ako sa kanya dahil wala siyang magandang propesiya tungkol sa akin kundi puro kasamaan.” Sumagot si Jehoshafat, “Hindi ka dapat magsalita ng ganyan.”
8Kaya ipinatawag ni Ahab ang isa sa kanyang opisyal at sinabi, “Dalhin nʼyo agad dito si Micaias na anak ni Imla.”