2 Mga Cronica 2

Nag-utos si Solomon na magtayo ng Templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon, at ng palasyo para sa kanyang sarili.

2 Chronicles 2:1 (UKJV) And Solomon determined to build an house for the name of the LORD, and an house for his kingdom.

1Nag-utos si Solomon na magtayo ng Templo para sa karangalan ng pangalan ng Panginoon, at ng palasyo para sa kanyang sarili.

2Nagpatawag siya ng pitumpung libong lalaking tagahakot, walumpung libong lalaking tagatabas ng mga bato sa mababang bahagi ng bundok, at tatlong libo at animnaraang kapatas.

3Nagpadala si Solomon ng ganitong mensahe kay Haring Hiram ng Tiro: “Padalhan mo ako ng mga kahoy na sedro gaya ng ipinadala mo sa aking amang si David nang nagpatayo siya ng palasyo niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.