12Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel na gumawa ng langit at lupa! Binigyan niya si Haring David ng matalinong anak na puno ng kaalaman at pang-unawa, na magtatayo ng Templo para sa Panginoon at ng palasyo para sa kanyang sarili.
13“Ipapadala ko sa iyo si Huram-abi na isang mahusay na manggagawa.
14Ang kanyang ina ay mula sa Dan at ang kanyang amaʼy mula sa Tiro. Dalubhasa siya sa paggawa sa ginto, pilak, tanso, bakal, bato at kahoy, at sa paggawa ng telang kulay ube, pula at asul, at pinong lino. Dalubhasa siya sa kahit anong uri ng pag-ukit, at makakagawa siya ng anumang uri ng disenyo na ipapagawa mo sa kanya. Gagawa siya kasama ng iyong manggagawa at ng mga manggagawa na pinili ng kagalang-galang na si David, na iyong ama.
15“Kaya ngayon, ipadala ninyo sa amin ang trigo, sebada, alak at langis ng olibo na inyong ipinangako,
16at ipapaputol na rin namin ang maraming kahoy na kailangan ninyo mula sa Lebanon. Pagkatapos, idudugtong namin na parang balsa at palulutangin sa dagat papunta sa Joppa. At kayo na ang magdadala nito sa Jerusalem.”