2 Mga Cronica 20

Nakatayo roon ang lahat ng lalaking taga-Juda sa harap ng Panginoon, kasama ang kanilang mga asawaʼt anak, at kanilang mga sanggol.

2 Chronicles 20:13 (UKJV) And all Judah stood before the LORD, with their little ones, their wives, and their children.

11Ngunit ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami upang itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana.

12O Diyos namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”

13Nakatayo roon ang lahat ng lalaking taga-Juda sa harap ng Panginoon, kasama ang kanilang mga asawaʼt anak, at kanilang mga sanggol.

14Pinatnubayan ng Espiritu ng Panginoon si Jahaziel na nakatayo roon kasama nila. Si Jahaziel ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Benaias. Si Benaias ay anak ni Jeiel. At si Jeiel ay anak ni Matanias na Levita at mula sa angkan ni Asaf.

15Sinabi ni Jahaziel, “Makinig po kayo, Haring Jehoshafat, at lahat kayong nakatira sa Juda at Jerusalem! Ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, ‘Huwag kayong matakot o manlupaypay dahil sa napakaraming sundalong ito, dahil ang pakikipaglaban ay hindi sa inyo kundi sa Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.