2 Mga Cronica 20

O Diyos namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”

2 Chronicles 20:12 (UKJV) O our God, will you not judge them? for we have no might against this great company that comes against us; neither know we what to do: but our eyes are upon you.

10“Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Amon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol.

11Ngunit ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami upang itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana.

12O Diyos namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”

13Nakatayo roon ang lahat ng lalaking taga-Juda sa harap ng Panginoon, kasama ang kanilang mga asawaʼt anak, at kanilang mga sanggol.

14Pinatnubayan ng Espiritu ng Panginoon si Jahaziel na nakatayo roon kasama nila. Si Jahaziel ay anak ni Zacarias. Si Zacarias ay anak ni Benaias. Si Benaias ay anak ni Jeiel. At si Jeiel ay anak ni Matanias na Levita at mula sa angkan ni Asaf.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.