2 Mga Cronica 20

“Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Amon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol.

2 Chronicles 20:10 (UKJV) And now, behold, the children of Ammon and Moab and mount Seir, whom you would not let Israel invade, when they came out of the land of Egypt, but they turned from them, and destroyed them not;

8Nakatira po sila rito at nagpatayo ng Templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila,

9‘Kung may sakunang darating sa amin gaya ng labanan, kasamaan, o taggutom, tatayo kami sa inyong presensya sa harap ng Templong ito kung saan pinararangalan kayo. Hihingi kami ng tulong sa inyo sa aming kahirapan, at pakikinggan nʼyo kami at ililigtas.’

10“Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Amon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol.

11Ngunit ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami upang itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana.

12O Diyos namin, hindi nʼyo po ba sila parurusahan? Sapagkat wala kaming kakayahang humarap sa napakaraming sundalo na lumulusob sa amin. Hindi po namin alam kung ano ang gagawin namin, pero nagtitiwala po kami sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.