7O Diyos namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, upang maging kanila magpakailanman?
8Nakatira po sila rito at nagpatayo ng Templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila,
9‘Kung may sakunang darating sa amin gaya ng labanan, kasamaan, o taggutom, tatayo kami sa inyong presensya sa harap ng Templong ito kung saan pinararangalan kayo. Hihingi kami ng tulong sa inyo sa aming kahirapan, at pakikinggan nʼyo kami at ililigtas.’
10“Ngayon, nilulusob kami ng mga tao mula sa Amon, Moab at Bundok ng Seir. Noon, ang mga teritoryo nila ay hindi nʼyo pinapayagang sakupin ng mga Israelita nang lumabas sila sa Ehipto. Kaya umiwas ang mga Israelita sa kanila at hindi sila nilipol.
11Ngunit ngayon, masdan nʼyo po ang iginanti nila sa amin. Nilulusob nila kami upang itaboy kami sa lupain na inyo pong ibinigay sa amin bilang mana.