5Tumayo si Jehoshafat sa harapan ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem doon sa harap ng Templo ng Panginoon, sa harapan ng bagong bakuran nito,
6at nagsabi, “O Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno, kayo po ang Diyos na nasa langit. Kayo ang namamahala sa lahat ng kaharian sa mundo. Makapangyarihan po kayo dahil walang makakalaban sa inyo.
7O Diyos namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, upang maging kanila magpakailanman?
8Nakatira po sila rito at nagpatayo ng Templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila,
9‘Kung may sakunang darating sa amin gaya ng labanan, kasamaan, o taggutom, tatayo kami sa inyong presensya sa harap ng Templong ito kung saan pinararangalan kayo. Hihingi kami ng tulong sa inyo sa aming kahirapan, at pakikinggan nʼyo kami at ililigtas.’