2 Mga Cronica 20

at nagsabi, “O Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno, kayo po ang Diyos na nasa langit. Kayo ang namamahala sa lahat ng kaharian sa mundo. Makapangyarihan po kayo dahil walang makakalaban sa inyo.

2 Chronicles 20:6 (UKJV) And said, O LORD God of our fathers, are not you God in heaven? and rule not you over all the kingdoms of the heathen? and in yours hand is there not power and might, so that none is able to withstand you?

4Kaya nagtipon ang mga tao mula sa lahat ng bayan ng Juda upang humingi ng tulong sa Panginoon.

5Tumayo si Jehoshafat sa harapan ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem doon sa harap ng Templo ng Panginoon, sa harapan ng bagong bakuran nito,

6at nagsabi, “O Panginoon, Diyos ng aming mga ninuno, kayo po ang Diyos na nasa langit. Kayo ang namamahala sa lahat ng kaharian sa mundo. Makapangyarihan po kayo dahil walang makakalaban sa inyo.

7O Diyos namin, hindi baʼt itinaboy nʼyo po ang mga nakatira sa lupaing ito sa pamamagitan ng inyong mga mamamayan? At hindi ba ibinigay nʼyo po ito sa kanila na mga lahi ni Abraham na inyong kaibigan, upang maging kanila magpakailanman?

8Nakatira po sila rito at nagpatayo ng Templo para sa karangalan ng inyong pangalan. Sinabi nila,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.