2 Mga Cronica 21

Gayunpaman, ayaw wasakin ng Panginoon ang Juda dahil sa kasunduan niya noon kay David na magpapatuloy ang paghahari ng kanyang angkan magpakailanman.

2 Chronicles 21:7 (UKJV) Nevertheless the LORD would not destroy the house of David, because of the covenant that he had made with David, and as he promised to give a light to him and to his sons for ever.

5Si Jehoram ay tatlumpuʼt dalawang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng walong taon.

6Sumunod siya sa pamumuhay ng mga hari ng Israel, gaya ng ginawa ng sambahayan ni Ahab, dahil ang kanyang napangasawa ay anak ni Ahab. Masama ang ginawa niya sa paningin ng Panginoon.

7Gayunpaman, ayaw wasakin ng Panginoon ang Juda dahil sa kasunduan niya noon kay David na magpapatuloy ang paghahari ng kanyang angkan magpakailanman.

8Nang panahon ng paghahari ni Jehoram, nagrebelde ang Edom sa Juda, at pumili sila ng sarili nilang hari.

9Kaya pumunta si Jehoram at ang kanyang mga opisyal sa Edom dala ang lahat niyang karwahe. Pinalibutan siya at ang kumander ng kanyang mga mangangarwahe ng mga taga-Edom, ngunit kinagabihan ay sinalakay nila ang mga Edomita, nakalusot sila at nakatakas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.