2 Mga Cronica 23

Sa ikapitong taon, gumawa na ng hakbang si Joiada. Gumawa siya ng kasunduan sa limang kumander ng daan-daang sundalo. Silaʼy sina Azarias na anak ni Jehoram, Ismael na anak ni Jehohanan, Azarias na anak ni Obed, Maasias na anak ni Adaya at Elisafat na anak ni Zicri.

2 Chronicles 23:1 (UKJV) And in the seventh year Jehoiada strengthened himself, and took the captains of hundreds, Azariah the son of Jeroham, and Ishmael the son of Jehohanan, and Azariah the son of Obed, and Maaseiah the son of Adaiah, and Elishaphat the son of Zichri, into covenant with him.

1Sa ikapitong taon, gumawa na ng hakbang si Joiada. Gumawa siya ng kasunduan sa limang kumander ng daan-daang sundalo. Silaʼy sina Azarias na anak ni Jehoram, Ismael na anak ni Jehohanan, Azarias na anak ni Obed, Maasias na anak ni Adaya at Elisafat na anak ni Zicri.

2Umikot sila sa buong Juda upang tipunin ang mga Levita at ang mga pinuno ng mga pamilya sa lahat ng mga bayan. Pagdating ng mga tao sa Jerusalem,

3pumunta sila sa Templo at gumawa ng kasunduan kay Joas, ang batang hari. Sinabi ni Joiada sa mga tao, “Narito ang anak ng namatay na hari! Ito na ang panahon na siya ay dapat maghari ayon sa pangako ng Panginoon na palaging mayroon sa angkan ni David ang maghahari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.