19Nagpalagay din si Joiada ng mga tagapagbantay sa mga pintuan ng Templo ng Panginoon upang walang makapasok na tao na itinuturing na marumi.
20Pagkatapos, isinama niya ang mga kumander, ang mga kilalang tao, at ang lahat ng tao, at inihatid nila ang hari sa palasyo mula sa Templo ng Panginoon. Doon sila dumaan sa Hilagang Pintuan. At naupo ang hari sa kanyang trono.
21Nagdiwang ang mga tao, at naging mapayapa na ang lungsod matapos patayin si Atalia.