1Si Joas ay pitong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng apatnapung taon. Ang kanyang ina ay si Sibias na taga-Beer-seba.
2Matuwid ang ginawa ni Joas sa paningin ng Panginoon sa buong buhay ng paring si Joiada.
3Pumili si Joiada ng dalawang asawa para sa kanya, at nagkaroon siya ng mga anak na lalaki at babae.