2 Mga Cronica 24

Matuwid ang ginawa ni Joas sa paningin ng Panginoon sa buong buhay ng paring si Joiada.

2 Chronicles 24:2 (UKJV) And Joash did that which was right in the sight of the LORD all the days of Jehoiada the priest.

1Si Joas ay pitong taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng apatnapung taon. Ang kanyang ina ay si Sibias na taga-Beer-seba.

2Matuwid ang ginawa ni Joas sa paningin ng Panginoon sa buong buhay ng paring si Joiada.

3Pumili si Joiada ng dalawang asawa para sa kanya, at nagkaroon siya ng mga anak na lalaki at babae.

4Pagkalipas ng ilang panahon, nagpasya si Joas na ipaayos ang Templo ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.