2Matuwid ang ginawa ni Joas sa paningin ng Panginoon sa buong buhay ng paring si Joiada.
3Pumili si Joiada ng dalawang asawa para sa kanya, at nagkaroon siya ng mga anak na lalaki at babae.
4Pagkalipas ng ilang panahon, nagpasya si Joas na ipaayos ang Templo ng Panginoon.
5Ipinatawag niya ang mga pari at mga Levita, at sinabi, “Pumunta kayo sa mga bayan ng Juda at kolektahin nʼyo ang mga buwis ng Israelita bawat taon, upang maipaayos natin ang Templo ng ating Diyos.” Ngunit hindi agad sumunod ang mga Levita.
6Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Joiada, ang punong pari, at tinanong, “Bakit hindi mo kinolekta sa mga Levita ang buwis ng mga mamamayan ng Juda at ng Jerusalem? Hindi ba nag-utos si Moises na lingkod ng Panginoon sa mamamayan ng Israel na ibigay nila ang kanilang buwis para sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan?”