2 Mga Cronica 24

Ipinatawag niya ang mga pari at mga Levita, at sinabi, “Pumunta kayo sa mga bayan ng Juda at kolektahin nʼyo ang mga buwis ng Israelita bawat taon, upang maipaayos natin ang Templo ng ating Diyos.” Ngunit hindi agad sumunod ang mga Levita.

2 Chronicles 24:5 (UKJV) And he gathered together the priests and the Levites, and said to them, Go out unto the cities of Judah, and gather of all Israel money to repair the house of your God from year to year, and see that all of you hasten the matter. Nevertheless the Levites hastened it not.

3Pumili si Joiada ng dalawang asawa para sa kanya, at nagkaroon siya ng mga anak na lalaki at babae.

4Pagkalipas ng ilang panahon, nagpasya si Joas na ipaayos ang Templo ng Panginoon.

5Ipinatawag niya ang mga pari at mga Levita, at sinabi, “Pumunta kayo sa mga bayan ng Juda at kolektahin nʼyo ang mga buwis ng Israelita bawat taon, upang maipaayos natin ang Templo ng ating Diyos.” Ngunit hindi agad sumunod ang mga Levita.

6Kaya ipinatawag ni Haring Joas si Joiada, ang punong pari, at tinanong, “Bakit hindi mo kinolekta sa mga Levita ang buwis ng mga mamamayan ng Juda at ng Jerusalem? Hindi ba nag-utos si Moises na lingkod ng Panginoon sa mamamayan ng Israel na ibigay nila ang kanilang buwis para sa Tolda ng Kahon ng Kasunduan?”

7Ang mga anak ng masamang babaeng si Atalia ay pumasok noon sa Templo ng Diyos at nanguha ng mga banal na kagamitan upang gamitin sa pagsamba kay Baal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.