2 Mga Cronica 24

Kapag puno na ang kahon, dinadala ito ng mga Levita sa mga opisyal ng hari. Pagkatapos, binibilang ito ng kalihim ng hari at ang opisyal ng punong pari, at ibinabalik nila ang kahon sa pintuan ng Templo. Ginagawa nila ito araw-araw hanggang sa dumami ang koleksyon.

2 Chronicles 24:11 (UKJV) Now it came to pass, that at what time the chest was brought unto the king's office by the hand of the Levites, and when they saw that there was much money, the king's scribe and the high priest's officer came and emptied the chest, and took it, and carried it to his place again. Thus they did day by day, and gathered money in abundance.

9Pagkatapos, naglabas siya ng mensahe sa Juda at sa Jerusalem, na kailangang dalhin ng mga tao sa Panginoon ang kanilang buwis ayon sa iniutos ni Moises sa mamamayan ng Israel sa ilang.

10Masayang nagbigay ang lahat ng opisyal at tao. Inihulog nila ang kanilang pera sa kahon hanggang mapuno ito.

11Kapag puno na ang kahon, dinadala ito ng mga Levita sa mga opisyal ng hari. Pagkatapos, binibilang ito ng kalihim ng hari at ang opisyal ng punong pari, at ibinabalik nila ang kahon sa pintuan ng Templo. Ginagawa nila ito araw-araw hanggang sa dumami ang koleksyon.

12Pagkatapos, ibinigay nina Haring Joas at Joiada ang pera sa mga tao na namamahala sa pag-aayos ng Templo ng Panginoon. At kumuha sila ng mga karpintero at manggagawang mahusay sa bakal at tanso.

13Napakasipag ng mga inatasan sa mga trabaho, kaya naging mabilis ang paggawa. Naayos nila ang Templo ng Diyos ayon sa orihinal na disenyo at mas pinatatag pa ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.