7Ang mga anak ng masamang babaeng si Atalia ay pumasok noon sa Templo ng Diyos at nanguha ng mga banal na kagamitan upang gamitin sa pagsamba kay Baal.
8Kaya nag-utos si Haring Joas na gumawa ng isang kahon, at ilagay ito sa labas ng pintuan ng Templo ng Panginoon.
9Pagkatapos, naglabas siya ng mensahe sa Juda at sa Jerusalem, na kailangang dalhin ng mga tao sa Panginoon ang kanilang buwis ayon sa iniutos ni Moises sa mamamayan ng Israel sa ilang.
10Masayang nagbigay ang lahat ng opisyal at tao. Inihulog nila ang kanilang pera sa kahon hanggang mapuno ito.
11Kapag puno na ang kahon, dinadala ito ng mga Levita sa mga opisyal ng hari. Pagkatapos, binibilang ito ng kalihim ng hari at ang opisyal ng punong pari, at ibinabalik nila ang kahon sa pintuan ng Templo. Ginagawa nila ito araw-araw hanggang sa dumami ang koleksyon.