2 Mga Cronica 25

Samantala, ang mga sundalong pinauwi ni Amazias at hindi pinasama sa labanan ay lumusob sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Nakapatay sila ng tatlong libong tao, at maraming ari-arian ang kanilang sinamsam.

2 Chronicles 25:13 (UKJV) But the soldiers of the army which Amaziah sent back, that they should not go with him to battle, fell upon the cities of Judah, from Samaria even unto Bethhoron, and stroke three thousand of them, and took much spoil.

11Buong tapang na lumusob si Amazias at pinangunahan niya ang kanyang mga sundalo sa pagpunta sa Lambak ng Asin, kung saan nakapatay sila ng sampung libong Edomita.

12Nakadakip pa sila ng sampung libong sundalo, at dinala nila ito sa isang bangin at doon inihulog, kaya nagkabali-bali ang buto ng mga ito.

13Samantala, ang mga sundalong pinauwi ni Amazias at hindi pinasama sa labanan ay lumusob sa mga bayan ng Juda, mula sa Samaria hanggang sa Bet-horon. Nakapatay sila ng tatlong libong tao, at maraming ari-arian ang kanilang sinamsam.

14Pagbalik ni Amazias mula sa pagpatay sa mga Edomita, dinala niya ang kanilang mga diyos-diyosan. Ginawa niya itong sariling diyos, sinamba, at pinag-alayan ng mga handog.

15Kaya labis ang galit ng Panginoon kay Amazias. Nagpadala siya ng propeta kay Amazias para sabihin, “Bakit dumudulog ka sa mga diyos-diyosan na hindi nakapagligtas ng kanilang mga mamamayan sa iyong mga kamay?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.