2 Mga Cronica 25

Nadakip ni Haring Jehoas si Haring Amazias doon sa Bet-semes, at dinala niya ito sa Jerusalem. Pagkatapos, giniba ni Jehoas ang mga pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

2 Chronicles 25:23 (UKJV) And Joash the king of Israel took Amaziah king of Judah, the son of Joash, the son of Jehoahaz, at Bethshemesh, and brought him to Jerusalem, and brake down the wall of Jerusalem from the gate of Ephraim to the corner gate, four hundred cubits.

21Kaya nilusob siya ni Haring Jehoas at ng mga sundalo nito. Naglaban sila sa Bet-semes na sakop ng Juda.

22Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kanilang bahay.

23Nadakip ni Haring Jehoas si Haring Amazias doon sa Bet-semes, at dinala niya ito sa Jerusalem. Pagkatapos, giniba ni Jehoas ang mga pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

24Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.

25Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.