2 Mga Cronica 25

Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.

2 Chronicles 25:24 (UKJV) And he took all the gold and the silver, and all the vessels that were found in the house of God with Obededom, and the treasures of the king's house, the hostages also, and returned to Samaria.

22Natalo ng Israel ang Juda, at ang bawat sundalo ng Juda ay tumakas pauwi sa kanilang bahay.

23Nadakip ni Haring Jehoas si Haring Amazias doon sa Bet-semes, at dinala niya ito sa Jerusalem. Pagkatapos, giniba ni Jehoas ang mga pader ng Jerusalem mula sa Pintuan ng Efraim hanggang sa Sulok na Pintuan, na mga animnaraang talampakan ang haba.

24Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.

25Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.

26Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan nga mga hari ng Juda at Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.