24Kinuha niya ang lahat ng ginto, pilak at kagamitan na nakita niya sa Templo ng Diyos na iniingatan noon ni Obed-edom. Kinuha rin niya ang mga kayamanan sa palasyo. Dinala niya ito at ang mga bihag pagbalik sa Samaria.
25Nabuhay pa si Haring Amazias ng Juda nang labinlimang taon matapos mamatay si Haring Jehoas ng Israel.
26Ang iba pang salaysay tungkol sa paghahari ni Amazias, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan nga mga hari ng Juda at Israel.
27Matapos tumalikod ni Amazias sa Panginoon, may mga taga-Jerusalem na nagplanong patayin siya. Kaya tumakas siya papunta sa bayan ng Laquis pero nagpadala sila ng tao upang sundan siya roon at patayin.
28Isinakay sa kabayo ang bangkay niya pabalik sa Jerusalem at inilibing sa libingan ng mga ninuno niya sa Lungsod ni David.