2 Mga Cronica 26

Siya ang bumawi ng Elat at ang muling pinatayo ito para sa Juda matapos mamatay ang ama niyang si Amazias.

2 Chronicles 26:2 (UKJV) He built Eloth, and restored it to Judah, after that the king slept with his fathers.

1Ang ipinalit ng mga mamamayan ng Juda kay Amazias bilang hari ay ang anak nitong si Uzias na labing-anim na taóng gulang.

2Siya ang bumawi ng Elat at ang muling pinatayo ito para sa Juda matapos mamatay ang ama niyang si Amazias.

3Si Uzias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Jecolias na taga-Jerusalem.

4Matuwid ang ginawa ni Uzias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazias.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.