1Ang ipinalit ng mga mamamayan ng Juda kay Amazias bilang hari ay ang anak nitong si Uzias na labing-anim na taóng gulang.
2Siya ang bumawi ng Elat at ang muling pinatayo ito para sa Juda matapos mamatay ang ama niyang si Amazias.
3Si Uzias ay labing-anim na taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng limampuʼt dalawang taon. Ang kanyang ina ay si Jecolias na taga-Jerusalem.
4Matuwid ang ginawa ni Uzias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ama niyang si Amazias.
5Dumulog siya sa Diyos nang panahon ni Zacarias, na siyang nagturo sa kanya sa paggalang sa Diyos. Hanggaʼt dumudulog siya sa Panginoon, binibigyan siya nito ng katagumpayan.