2 Mga Cronica 28

Kinuha ni Ahaz ang mga kagamitan sa Templo ng Diyos at ipinadurog ito. Ipinasara niya ang pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpatayo siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem.

2 Chronicles 28:24 (UKJV) And Ahaz gathered together the vessels of the house of God, and cut in pieces the vessels of the house of God, and shut up the doors of the house of the LORD, and he made him altars in every corner of Jerusalem.

22Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon.

23Nag-alay siya ng mga handog sa mga diyos ng mga taga-Damasco na tumalo sa kanya. Sapagkat sinabi niya, “Ang mga hari ng Aram ay tinulungan ng kanilang mga diyos. Kaya maghahandog din ako sa mga diyos na ito upang tulungan din nila ako.” Ngunit ang mga ito ang nagpahamak sa kanya at sa mga taga-Israel.

24Kinuha ni Ahaz ang mga kagamitan sa Templo ng Diyos at ipinadurog ito. Ipinasara niya ang pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpatayo siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem.

25Nagpatayo rin siya ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan sa Juda, upang makapaghandog sa ibang mga diyos. At labis itong nakapagpagalit sa Panginoon, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.

26Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahaz at sa kanyang pag-uugali, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.