20Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.
21Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.
22Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon.
23Nag-alay siya ng mga handog sa mga diyos ng mga taga-Damasco na tumalo sa kanya. Sapagkat sinabi niya, “Ang mga hari ng Aram ay tinulungan ng kanilang mga diyos. Kaya maghahandog din ako sa mga diyos na ito upang tulungan din nila ako.” Ngunit ang mga ito ang nagpahamak sa kanya at sa mga taga-Israel.
24Kinuha ni Ahaz ang mga kagamitan sa Templo ng Diyos at ipinadurog ito. Ipinasara niya ang pintuan ng Templo ng Panginoon, at nagpatayo siya ng mga altar sa bawat kanto ng Jerusalem.