18Bukod pa rito, nilusob din ng mga Filisteo ang mga bayan ng Juda na nasa kaburulan sa kanluran at nasa Negeb. Naagaw nila ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo, pati ang mga baryo sa paligid nito; at doon na sila nanirahan.
19Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.
20Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.
21Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.
22Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon.