16Nang panahong iyon, humingi ng tulong si Haring Ahaz sa hari ng Asiria.
17Sapagkat muling nilusob ng mga taga-Edom ang Juda at binihag ang ibang mga naninirahan dito.
18Bukod pa rito, nilusob din ng mga Filisteo ang mga bayan ng Juda na nasa kaburulan sa kanluran at nasa Negeb. Naagaw nila ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo, pati ang mga baryo sa paligid nito; at doon na sila nanirahan.
19Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.
20Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.