2 Mga Cronica 28

Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.

2 Chronicles 28:19 (UKJV) For the LORD brought Judah low because of Ahaz king of Israel; for he made Judah naked, and transgressed sore against the LORD.

17Sapagkat muling nilusob ng mga taga-Edom ang Juda at binihag ang ibang mga naninirahan dito.

18Bukod pa rito, nilusob din ng mga Filisteo ang mga bayan ng Juda na nasa kaburulan sa kanluran at nasa Negeb. Naagaw nila ang Bet-semes, Ayalon, Gederot, Soco, Timna at Gimzo, pati ang mga baryo sa paligid nito; at doon na sila nanirahan.

19Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.

20Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.

21Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.