2 Mga Cronica 28

Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.

2 Chronicles 28:21 (UKJV) For Ahaz took away a portion out of the house of the LORD, and out of the house of the king, and of the princes, and gave it unto the king of Assyria: but he helped him not.

19Ibinaba ng Panginoon ang Juda dahil hinikayat ni Haring Ahaz ang mga mamamayan sa paggawa ng kasamaan, at hindi siya sumunod sa Panginoon.

20Kaya pagdating ni Haring Tiglat-pileser ng Asiria, ginipit niya si Ahaz sa halip na tulungan.

21Nanguha si Ahaz ng mga ari-arian sa Templo ng Panginoon, sa palasyo, at sa mga bahay ng mga opisyal, at ibinigay niya ito sa hari ng Asiria. Ngunit hindi ito nakatulong kay Ahaz.

22Sa panahon ng mga kahirapan ni Haring Ahaz, lalo pa siyang naging suwail sa Panginoon.

23Nag-alay siya ng mga handog sa mga diyos ng mga taga-Damasco na tumalo sa kanya. Sapagkat sinabi niya, “Ang mga hari ng Aram ay tinulungan ng kanilang mga diyos. Kaya maghahandog din ako sa mga diyos na ito upang tulungan din nila ako.” Ngunit ang mga ito ang nagpahamak sa kanya at sa mga taga-Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.