25Nagpatayo rin siya ng mga sambahan sa matataas na lugar sa lahat ng bayan sa Juda, upang makapaghandog sa ibang mga diyos. At labis itong nakapagpagalit sa Panginoon, ang Diyos ng kanyang mga ninuno.
26Ang iba pang mga salaysay tungkol sa paghahari ni Ahaz at sa kanyang pag-uugali, mula sa simula hanggang sa katapusan ay nakasulat sa Aklat ng Kasaysayan ng mga hari ng Juda at Israel.
27Nang mamatay si Ahaz, inilibing siya sa lungsod ng Jerusalem, pero hindi sa libingan ng mga hari ng Israel. At ang anak niyang si Ezequias ang pumalit sa kanya bilang hari.