2 Mga Cronica 29

Pumasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon upang linisin ito. Inilagay nila sa bakuran ng Templo ang lahat na kanilang nakitang kagamitang marurumi. At dinala ito ng mga Levita sa Lambak ng Kidron.

2 Chronicles 29:16 (UKJV) And the priests went into the inner part of the house of the LORD, to cleanse it, and brought out all the uncleanness that they found in the temple of the LORD into the court of the house of the LORD. And the Levites took it, to carry it out abroad into the brook Kidron.

14Sa angkan ni Heman: sina Jehiel at Simei. Sa angkan ni Jedutun: sina Semaias at Uziel.

15Tinipon nila ang kanilang mga kadugong Levita at nilinis nila ang kanilang sarili. Nilinis din nila ang Templo ng Panginoon ayon sa iniutos ng hari. Sinunod nila ang sinabi ng Panginoon.

16Pumasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon upang linisin ito. Inilagay nila sa bakuran ng Templo ang lahat na kanilang nakitang kagamitang marurumi. At dinala ito ng mga Levita sa Lambak ng Kidron.

17Sinimulan nilang maglinis sa unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw, umabot sila sa balkonahe ng Templo ng Panginoon. Ipinagpatuloy nila ang paglilinis sa loob pa ng walong araw, at natapos nila ang paglilinis sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

18Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Ezequias at sinabi, “Mahal na Hari, nalinis na po namin ang buong Templo ng Panginoon pati ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat po ng kagamitan nito, at ang mesa na pinaglalagyan po ng tinapay na inihahandog at ang lahat ng kagamitan nito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.