2 Mga Cronica 29

Sinimulan nilang maglinis sa unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw, umabot sila sa balkonahe ng Templo ng Panginoon. Ipinagpatuloy nila ang paglilinis sa loob pa ng walong araw, at natapos nila ang paglilinis sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

2 Chronicles 29:17 (UKJV) Now they began on the first day of the first month to sanctify, and on the eighth day of the month came they to the porch of the LORD: so they sanctified the house of the LORD in eight days; and in the sixteenth day of the first month they made an end.

15Tinipon nila ang kanilang mga kadugong Levita at nilinis nila ang kanilang sarili. Nilinis din nila ang Templo ng Panginoon ayon sa iniutos ng hari. Sinunod nila ang sinabi ng Panginoon.

16Pumasok ang mga pari sa Templo ng Panginoon upang linisin ito. Inilagay nila sa bakuran ng Templo ang lahat na kanilang nakitang kagamitang marurumi. At dinala ito ng mga Levita sa Lambak ng Kidron.

17Sinimulan nilang maglinis sa unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw, umabot sila sa balkonahe ng Templo ng Panginoon. Ipinagpatuloy nila ang paglilinis sa loob pa ng walong araw, at natapos nila ang paglilinis sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

18Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Ezequias at sinabi, “Mahal na Hari, nalinis na po namin ang buong Templo ng Panginoon pati ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat po ng kagamitan nito, at ang mesa na pinaglalagyan po ng tinapay na inihahandog at ang lahat ng kagamitan nito.

19Naibalik na rin po namin ang lahat ng kagamitang tinanggal ni Haring Ahaz nang mga panahong hindi siya naging matapat sa Diyos. Nilinis na po namin ang mga ito at handa nang gamitin. Naroon na po ang mga ito ngayon sa harapan ng altar ng Panginoon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.