2 Mga Cronica 29

Naibalik na rin po namin ang lahat ng kagamitang tinanggal ni Haring Ahaz nang mga panahong hindi siya naging matapat sa Diyos. Nilinis na po namin ang mga ito at handa nang gamitin. Naroon na po ang mga ito ngayon sa harapan ng altar ng Panginoon.”

2 Chronicles 29:19 (UKJV) Moreover all the vessels, which king Ahaz in his reign did cast away in his transgression, have we prepared and sanctified, and, behold, they are before the altar of the LORD.

17Sinimulan nilang maglinis sa unang araw ng unang buwan, at nang ikawalong araw, umabot sila sa balkonahe ng Templo ng Panginoon. Ipinagpatuloy nila ang paglilinis sa loob pa ng walong araw, at natapos nila ang paglilinis sa ikalabing-anim na araw ng buwan ding iyon.

18Pagkatapos, pumunta sila kay Haring Ezequias at sinabi, “Mahal na Hari, nalinis na po namin ang buong Templo ng Panginoon pati ang altar na pagsusunugan ng mga handog na sinusunog at ang lahat po ng kagamitan nito, at ang mesa na pinaglalagyan po ng tinapay na inihahandog at ang lahat ng kagamitan nito.

19Naibalik na rin po namin ang lahat ng kagamitang tinanggal ni Haring Ahaz nang mga panahong hindi siya naging matapat sa Diyos. Nilinis na po namin ang mga ito at handa nang gamitin. Naroon na po ang mga ito ngayon sa harapan ng altar ng Panginoon.”

20Kinabukasan, maaga paʼy tinipon na ni Haring Ezequias ang mga opisyal ng lungsod at pumunta sila sa Templo ng Panginoon.

21Nagdala sila ng pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong batang tupa, at pitong lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan para sa kanilang kaharian, sa Templo at sa mga mamamayan ng Juda. Inutusan ni Haring Ezequias ang mga pari na mula sa angkan ni Aaron upang ihandog ang mga iyon sa altar ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.