19Naibalik na rin po namin ang lahat ng kagamitang tinanggal ni Haring Ahaz nang mga panahong hindi siya naging matapat sa Diyos. Nilinis na po namin ang mga ito at handa nang gamitin. Naroon na po ang mga ito ngayon sa harapan ng altar ng Panginoon.”
20Kinabukasan, maaga paʼy tinipon na ni Haring Ezequias ang mga opisyal ng lungsod at pumunta sila sa Templo ng Panginoon.
21Nagdala sila ng pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong batang tupa, at pitong lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan para sa kanilang kaharian, sa Templo at sa mga mamamayan ng Juda. Inutusan ni Haring Ezequias ang mga pari na mula sa angkan ni Aaron upang ihandog ang mga iyon sa altar ng Panginoon.
22Kaya kinatay ng mga pari ang mga toro at iwinisik ang dugo nito sa altar. Ganoon din ang ginawa sa mga lalaking tupa at sa mga batang tupa.
23Ang mga kambing na handog para sa kasalanan ay dinala nila sa hari at sa mga tao, at kanilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa mga kambing.