21Nagdala sila ng pitong toro, pitong lalaking tupa, pitong batang tupa, at pitong lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan para sa kanilang kaharian, sa Templo at sa mga mamamayan ng Juda. Inutusan ni Haring Ezequias ang mga pari na mula sa angkan ni Aaron upang ihandog ang mga iyon sa altar ng Panginoon.
22Kaya kinatay ng mga pari ang mga toro at iwinisik ang dugo nito sa altar. Ganoon din ang ginawa sa mga lalaking tupa at sa mga batang tupa.
23Ang mga kambing na handog para sa kasalanan ay dinala nila sa hari at sa mga tao, at kanilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa mga kambing.
24Pagkatapos, kinatay ng mga pari ang mga kambing at ibinuhos ang dugo nito sa altar bilang handog para sa paglilinis ng kasalanan ng lahat ng mga Israelita. Sapagkat nag-utos ang hari na mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan para sa lahat ng Israelita.
25Pagkatapos, nagtalaga si Ezequias ng mga Levita sa Templo ng Panginoon na may mga pompyang, alpa at mga lira. Itoʼy ayon sa utos ng Panginoon kay Haring David sa pamamagitan ni Gad na propeta ni David at kay Propeta Natan.