2 Mga Cronica 29

Pagkatapos, nagtalaga si Ezequias ng mga Levita sa Templo ng Panginoon na may mga pompyang, alpa at mga lira. Itoʼy ayon sa utos ng Panginoon kay Haring David sa pamamagitan ni Gad na propeta ni David at kay Propeta Natan.

2 Chronicles 29:25 (UKJV) And he set the Levites in the house of the LORD with cymbals, with psalteries, and with harps, according to the commandment of David, and of Gad the king's seer, and Nathan the prophet: for so was the commandment of the LORD by his prophets.

23Ang mga kambing na handog para sa kasalanan ay dinala nila sa hari at sa mga tao, at kanilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa mga kambing.

24Pagkatapos, kinatay ng mga pari ang mga kambing at ibinuhos ang dugo nito sa altar bilang handog para sa paglilinis ng kasalanan ng lahat ng mga Israelita. Sapagkat nag-utos ang hari na mag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan para sa lahat ng Israelita.

25Pagkatapos, nagtalaga si Ezequias ng mga Levita sa Templo ng Panginoon na may mga pompyang, alpa at mga lira. Itoʼy ayon sa utos ng Panginoon kay Haring David sa pamamagitan ni Gad na propeta ni David at kay Propeta Natan.

26Pumwesto ang mga Levita na may mga instrumento ni Haring David, at ang mga pari na may mga trumpeta.

27At nag-utos si Ezequias na ihandog sa altar ang mga handog na sinusunog. Habang naghahandog, ang mga awit ng papuri sa Panginoon ay sinimulan din, na tinutugtugan ng mga trumpeta at iba pang mga instrumento ni Haring David ng Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.