2 Mga Cronica 29

Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Diyos at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang Templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.

2 Chronicles 29:6 (UKJV) For our fathers have trespassed, and done that which was evil in the eyes of the LORD our God, and have forsaken him, and have turned away their faces from the habitation of the LORD, and turned their backs.

4Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng Templo.

5Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan nʼyo ako, kayong mga Levita! Linisin ninyo ang inyong mga sarili ngayon, at linisin din ninyo ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Kunin nʼyo sa Templo ang lahat ng bagay na itinuturing na marumi.

6Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Diyos at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang Templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.

7Isinara nila ang mga pintuan sa balkonahe ng Templo at pinatay ang mga ilaw. Hindi sila nagsunog ng insenso o nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo para sa Diyos ng Israel.

8Kaya nagalit ang Panginoon sa Juda at sa Jerusalem. At dahil sa kanyang parusa sa atin, pinandirihan, kinutya at minaliit tayo ng mga tao gaya ng inyong nakikita ngayon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.