2 Mga Cronica 29

Kaya nagalit ang Panginoon sa Juda at sa Jerusalem. At dahil sa kanyang parusa sa atin, pinandirihan, kinutya at minaliit tayo ng mga tao gaya ng inyong nakikita ngayon.

2 Chronicles 29:8 (UKJV) Wherefore the wrath of the LORD was upon Judah and Jerusalem, and he has delivered them to trouble, to astonishment, and to hissing, as all of you see with your eyes.

6Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Diyos at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang Templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.

7Isinara nila ang mga pintuan sa balkonahe ng Templo at pinatay ang mga ilaw. Hindi sila nagsunog ng insenso o nag-alay ng mga handog na sinusunog sa Templo para sa Diyos ng Israel.

8Kaya nagalit ang Panginoon sa Juda at sa Jerusalem. At dahil sa kanyang parusa sa atin, pinandirihan, kinutya at minaliit tayo ng mga tao gaya ng inyong nakikita ngayon.

9Namatay ang mga ninuno natin sa labanan, at binihag ang ating mga asawaʼt anak.

10Ngunit ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, upang mawala ang matindi niyang galit sa atin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.