2 Mga Cronica 29

Ngunit ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, upang mawala ang matindi niyang galit sa atin.

2 Chronicles 29:10 (UKJV) Now it is in mine heart to make a covenant with the LORD God of Israel, that his fierce wrath may turn away from us.

8Kaya nagalit ang Panginoon sa Juda at sa Jerusalem. At dahil sa kanyang parusa sa atin, pinandirihan, kinutya at minaliit tayo ng mga tao gaya ng inyong nakikita ngayon.

9Namatay ang mga ninuno natin sa labanan, at binihag ang ating mga asawaʼt anak.

10Ngunit ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, upang mawala ang matindi niyang galit sa atin.

11Kaya mga minamahal, huwag na kayong magpabaya. Kayo ang pinili ng Panginoon upang tumayo sa kanyang presensya, at upang maglingkod at maghandog.”

12Kaya nagsimula sa paggawa ang mga Levita: Sa pamilya ni Kohat: sina Mahat na anak ni Amasai at Joel na anak ni Azarias. Sa pamilya ni Merari: sina Kish na anak ni Abdi at Azarias na anak ni Jehalelel. Sa pamilya ni Gerson: sina Joah na anak ni Zima at Eden na anak naman ni Joah.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.