9Namatay ang mga ninuno natin sa labanan, at binihag ang ating mga asawaʼt anak.
10Ngunit ngayon, desidido akong gumawa ng kasunduan sa Panginoon, ang Diyos ng Israel, upang mawala ang matindi niyang galit sa atin.
11Kaya mga minamahal, huwag na kayong magpabaya. Kayo ang pinili ng Panginoon upang tumayo sa kanyang presensya, at upang maglingkod at maghandog.”
12Kaya nagsimula sa paggawa ang mga Levita: Sa pamilya ni Kohat: sina Mahat na anak ni Amasai at Joel na anak ni Azarias. Sa pamilya ni Merari: sina Kish na anak ni Abdi at Azarias na anak ni Jehalelel. Sa pamilya ni Gerson: sina Joah na anak ni Zima at Eden na anak naman ni Joah.
13Sa angkan ni Elizafan: sina Simri at Jeiel. Sa angkan ni Asaf: sina Zacarias at Matanias.