2 Mga Cronica 29

Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng Templo.

2 Chronicles 29:4 (UKJV) And he brought in the priests and the Levites, and gathered them together into the east street,

2Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.

3Sa unang buwan nang unang taon ng paghahari niya, pinabuksan niyang muli ang mga pintuan ng Templo ng Panginoon at ipinaayos ito.

4Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng Templo.

5Sinabi niya sa kanila, “Pakinggan nʼyo ako, kayong mga Levita! Linisin ninyo ang inyong mga sarili ngayon, at linisin din ninyo ang Templo ng Panginoon, ang Diyos ng inyong mga ninuno. Kunin nʼyo sa Templo ang lahat ng bagay na itinuturing na marumi.

6Hindi naging tapat ang ating mga ninuno. Masama ang ginawa nila sa paningin ng Panginoon na ating Diyos at siyaʼy kanilang itinakwil. Pinabayaan nila ang kanyang Templo at siyaʼy kanila ngang tinalikuran.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.