2 Mga Cronica 29

Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.

2 Chronicles 29:2 (UKJV) And he did that which was right in the sight of the LORD, according to all that David his father had done.

1Si Ezequias ay dalawampuʼt limang taóng gulang nang maging hari. Naghari siya sa Jerusalem sa loob ng dalawampuʼt siyam na taon. Ang kanyang ina ay si Abias na anak ni Zacarias.

2Matuwid ang ginawa ni Ezequias sa paningin ng Panginoon, katulad ng ginawa ng ninuno niyang si David.

3Sa unang buwan nang unang taon ng paghahari niya, pinabuksan niyang muli ang mga pintuan ng Templo ng Panginoon at ipinaayos ito.

4Ipinatawag niya ang mga pari at ang mga Levita, at pinatipon sa loob ng bakuran sa bandang silangan ng Templo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.