2 Mga Cronica 3

Ang Pinakabanal na Lugar ay may lapad na tatlumpung talampakan at may haba na tatlumpung talampakan din, na gaya ng lapad ng Templo. Ang loob nitoʼy binalutan ng mga dalawampuʼt isang tonelada ng ginto.

2 Chronicles 3:8 (UKJV) And he made the most holy house, the length whereof was according to the breadth of the house, twenty cubits, and the breadth thereof twenty cubits: and he overlaid it with fine gold, amounting to six hundred talents.

6Nilagyan din niya ang Templo ng mga palamuti na mamahaling bato at ginto na galing pa sa Parvaim.

7Pinabalutan niya ng ginto ang mga biga, hamba ng pintuan, mga dingding at mga pintuan. At pinaukitan niya ng kerubin ang mga dingding.

8Ang Pinakabanal na Lugar ay may lapad na tatlumpung talampakan at may haba na tatlumpung talampakan din, na gaya ng lapad ng Templo. Ang loob nitoʼy binalutan ng mga dalawampuʼt isang tonelada ng ginto.

9Ang mga pako ay ginto na may timbang na kalahating kilo. Ang mga dingding sa itaas na bahagi ay binalutan din ng ginto.

10Nagpagawa si Solomon sa loob ng Pinakabanal na Lugar ng dalawang kerubin at pinabalutan ito ng ginto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.