9Tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok.
10Sumagot si Azarias, ang punong pari na mula sa angkan ni Sadoc, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa Templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”
11Nag-utos si Ezequias na gumawa ng mga bodega sa Templo ng Panginoon, at nangyari nga ito.
12At matapat na dinala roon ng mga tao ang kanilang mga handog, mga ikapu at ang mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon. Si Conanias na isang Levita ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay na ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Simei.
13Sina Jehiel, Azazias, Nahat, Asael, Jerimot, Josabad, Eliel, Ismaquias, Mahat at Benaias ang mga tagapangasiwa sa ilalim ng pamamahala nina Conanias at Simei. Pinili sila nina Haring Ezequias at Azarias na punong opisyal ng Templo ng Diyos.