2 Mga Cronica 31

Sumagot si Azarias, ang punong pari na mula sa angkan ni Sadoc, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa Templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”

2 Chronicles 31:10 (UKJV) And Azariah the chief priest of the house of Zadok answered him, and said, Since the people began to bring the offerings into the house of the LORD, we have had enough to eat, and have left plenty: for the LORD has blessed his people; and that which is left is this great store.

8Nang makita ni Ezequias at ng kanyang mga opisyal ang mga nakatumpok na ito, pinuri nila ang Panginoon at pinasalamatan ang mga mamamayan niyang Israelita.

9Tinanong ni Ezequias ang mga pari at ang mga Levita tungkol sa mga nakatumpok.

10Sumagot si Azarias, ang punong pari na mula sa angkan ni Sadoc, “Mula nang nagsimulang magdala ang mga tao ng kanilang mga handog sa Templo ng Panginoon, nagkaroon na kami ng sapat na pagkain at marami pang sumobra, dahil pinagpala ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan.”

11Nag-utos si Ezequias na gumawa ng mga bodega sa Templo ng Panginoon, at nangyari nga ito.

12At matapat na dinala roon ng mga tao ang kanilang mga handog, mga ikapu at ang mga bagay na itinalaga nila sa Panginoon. Si Conanias na isang Levita ang siyang pinagkatiwalaan ng mga bagay na ito, at katulong niya ang kanyang kapatid na lalaki na si Simei.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.